Toyota Hilux: Magarang Sasakyan na Pangmatagalan sa Pilipinas

Toyota Hilux

Ano nga ba ang pinagkaiba ng Toyota Hilux sa ibang pickup na sasakyan? Sulit nga ba ang presyo nito at kaya ba nitong makipagsabayan sa mas mahal na sasakyan? Ang Artikulo na ito ay ang makatutulong sayo kung ano ang dapat mong bilhin na sasakyang pick-up na magara at sulit sa badyet.

Una sa lahat, ayon sa Autodeal PH (2020), ang Toyota Motor Philippines ang nangungunang tatak ng sasakyan dito sa Pilipinas. Ito ay dahil noong 2019, nakabenta sila ng 161,385 na sasakyan at 20,846 dito ay ang Toyota Hilux. Hindi lang ito sikat sa Pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa. Dahil kapag sinabing Toyota, kilala itong tatak na maaasahan at may magagarang disenyo ng sasakyan na may abot kayang halaga.

4 na malaking gulong

Ang sasakyan na ito ay binansagang “indestructible pick-up”dahil nga ito ay subok na ng mga eksperto at umaabot ang buhay ng makina nito hanggang 50 na taon. Merong isang taong nagngangalan na si Jeremy Clarkson na sinubukan niyang sirain ang sasakyan na ito sa pamamagitan ng paggamit ng “wrecking ball”, ngunit siya ay nainis dahil kahit tinamaan na ito ng wrecking ball, patuloy parin itong umaandar. Kaya simula noon, tinawag na indestructible pick-up ang Toyota Hilux.

King Size na higaan

Ang pagkakaiba ng Toyota Hilux sa ibang pickup na sasakyan ay walang iba kundi ito ay mas tipid sa diesel, subok ng mga eksperto at tiyak na mas mura kaysa sa iba. Wala pa tayong nabalitaan sa telebisyon at radyo na isang Toyota hilux na nakaingkwentro ng SUA o Suddenly Unintended Acceleration. Di kagaya sa ibang tatak na maraming beses nang nabalitaang nadisgrasya dahil sa SUA. Sulit na sulit din ang presyo ng Toyota Hilux dahil kung ikukumpara mo ito sa ibang pickup truck, ito ay ang pinaka mura pero ito ang pinaka matatag. Ito rin ay may malaking espasyo sa loob at maging sa likod ng sasakyan. Sa likod ng sasakyan, kaya nitong bumuhat ng dalawang motor o sako sakong bigas. Ang kadalasan na nagmamay-ari ng sasakyan na ito ay ang mga engineers dahil ginagamit nila itong panghakot ng mga materyales sa kanilang ginagawang mga proyekto.

30 sakong bigas

Ang kahinaan lamang ng Toyota Hilux ay ito ay sobrang laki at mas mahaba kaysa sa ibang sasakyan. Ikaw ay maaring mahirapang magmaneho o pumarada. Lalong lalo na sa Pilipinas, napakarami na ang sasakyan at pahirapan ang paghanap ng mapaparadahan. Kung ikaw ay isang baguhan na driver, hindi ito para sa iyo dahil ikaw ay mahihirapan lamang at mataas ang tiyansa na maibangga mo lang ang magandang sasakyan na ito. Ang isa sa mga kahinaan nito ay hindi ito kasingbilis ng mga maliliit na sasakyan kasi tiyak na mas mabigat ang katawan ng sasakyan na ito kaysa sa kotse. Mas mahal din ang pick-up kaysa sa mga kotse kaya kung di mo naman talaga kailangan ang pick-up, mas mabuti nalang na kotse ang bilhin mo kasi mas madali itong pagaralan at mas makakamura ka pa.

Para sa akin, napakasulit ng sasakyan na ito dahil sa 3 taon na pagmamaneho ko, hindi ako nakaranas ng problema at hinding hindi pa ako nasiraan sa gitna ng kalsada. Nagmaneho narin ako papunta sa Bicol Camarines Sur galing Tacloban City dahil doon, masasabi ko talaga na napakaganda ng Toyota Hilux. Ako nga pala ay 5’11 pero hindi ko naranasan ang masikipan sa loob ng sasakyan. Hindi kagaya sa pick-up ng pinsan ko na pagpasok ko palang, sumayad kaagad yung ulo ko sa bubong ng sasakyan. Noong inaayos ang bahay namin, napabilis yung paggawa dahil hindi na namin kailangang maghintay ng delivery ng mga materyales kasi kami na mismo ang kumukuha sa tindahan at kinakarga nalang namin ito sa likod ng sasakyan. Sa pagtatapos ng aking artikulo, sana may natutunan kayo kahit konti dahil ang pagpili ng sasakyan ay hindi biro. Napakahirap talaga nito at8 kailangan munang manaliksik ng mamimili upang makapili ng magandang sasakyan. Pero kung may sapat na badyet at sapat na kaalaman sa8 pagmamaneho, Toyota Hilux ang para sa iyo.

Leave a comment